
Sure na may ka-date sa Valentine's Day ang Sang'gre actress na si Sanya Lopez matapos mabuking at aminin ang masayang love life niya ngayon.
Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes (February 6) kasama ang kapwa 2016 Sang'gres na sina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia, hindi pinalampas ni King of Talk Boy Abunda ang pagkakataon na ma-chika si Sanya tungkol sa kanyang love life.
"Okay naman, Tito Boy," tuwang-tuwang sagot ni Sanya nang kumustahin ni Boy Abunda ang kanyang secret. "Lagi namang masaya."
Kuwento pa ni Gabbi: "Ten years in the making 'to, inaabangan namin 'to."
Ayon kay Sanya, kilala na ng co-Sang'gres niya ang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon.
"Sila 'yung number one na excited talaga sa akin bago pa mangyari ang lahat. Sila 'yung sa mga unang nakakita, nakakilala," sabi ng aktres.
Nang tanungin ni Tito Boy kung ipapakilala niya ba ito sa publiko, sagot ni Sanya, "'Pag dumating 'yung panahon na hindi maiwasan, siguro oo. Oh, sige, puwede naman."
Kilig na kilig naman si Gabbi habang ikinukuwento ni Sanya ang kanyang love life. Aniya, "Ang tagal kasi naming hinintay ito na parang, 'Oh my gosh! Finally, pinag-uusapan na natin 'yung love life ni Sanya.'"
Kuwento pa ni Sanya, aksidente nang mai-share niya sa kanyang co-Sang'gres ang love life at tungkol sa ring. Hindi naman napigilang mapatili nina Gabbi, Kylie, at Glaiza nang banggitin ni Sanya ang singsing.
Ipinakita rin ni Sanya kay Tito Boy ang suot na singsing na aniya ay "promise ring."
Abangan ang reunion ng 2016 Sang'gres na sina Glaiza, Kylie, Gabbi, at Sanya soon sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: Kylie Padilla, ipinasilip ang fight scenes ni Amihan sa 'Sang'gre'