GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, itinuturing na highlight ng taon ang 'Pulang Araw'

By Marah Ruiz
Published December 19, 2024 11:11 AM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Para kay Sanya Lopez, isa sa pinakamagandang nangyari sa kanya ngayong taon ang 'Pulang Araw.'

Isa si Kapuso actress at Pulang Araw star Sanya Lopez sa mga personalidad sa cover ng luxury lifestyle magazine na Tatler Philippines.

Kasama niya rito si GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at kapwa Kapuso stars na sina Alden Richards, Ruru Madrid, Julie Anne San Jose, David Licauco, Gabbi Garcia, at Michelle Dee.


Sa "quickfire" na panayam ng magazine kay Sanya, ibinahagi ng aktres na ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw ang pinakamagandang nangyari sa kanya sa taong 2024.

"Siyempre, Pulang Araw, mas na-challenge ako. It's about World War II, it's about comfort women. Ito lang 'yung way that I could do para maikuwento natin kung ano ang istorya ng mga comfort women," lahad ni Sanya.

Kung makikipagpalit naman daw siya ng buhay, pipiliin niya ang mga nakatrabaho niya sa serye.

"My director or sa production [team] para mas ma-feel at makapag-give back sa kanila kasi nakita ko kung gaano sila ka-dedicated," papuri niya sa mga ito.

Ibinahagi rin ni Sanya na looking forward siya sa parating na Pasko dahil ito ang paborito niyang holiday.

"Doon lang kami may chance na magkakasama ng family ko, friends ko, loved ones," saad ng aktres.

Panoorin ang quickfire questions ng Tatler Philippines para kay Sanya Lopez dito.

A post shared by Tatler Philippines (@tatlerphilippines)

Samantala, nalalapit na rin ang pagtatapos ng Pulang Araw. Sa huling dalawang linggo nito, makakatakas ang karakter ni Sanya na si Teresita mula sa malupit na si Col. Yuta Saitoh (Dennis Trillo).

Magiging kanlungan niya ang simbahan kung saan malalaman niyang ipinagbubuntis niya ang anak ni Yuta.

Dahil dito, tatalikuran ni Teresita maging si Eduardo (Alden Richard).

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.