
Palabas na simula ngayong Miyerkules, May 13, ang pelikulang Midnight Girls na pinagbibidahan nina Sanya Lopez, Jane Oineza, Jodi Sta. Maria, at Loisa Andalio. Bilang parte ng kanilang paghahanda, nag-immersion ang apat na bida sa isang Omise.
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Omise ay isang uri ng restaurant sa Japan, at maaari ding tumukoy sa mga hostess bars o snack bars sa bansa.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, May 13, ibinahagi nina Sanya at Jane na walang nakakakilala sa kanila bilang mga artista sa Omise sa Japan noong mag-immersion sila.
“Hindi kami nag-start ng parang nagpakilala kami as artista. As in nag-start kami du'n, pinangunahan siya ni Ate Jodi, 'di ba? Pinangunahan siya ni Ate Jodi and then nu'ng second day, tinry na namin. 'Ano, gagawin na ba natin?'” pagbabahagi ni Sanya.
Dagdag pa ni Jane, “'Yung bar na 'yun, 'yun talaga 'yung kakilala natin 'yung owner. Pero 'yung mga customer nila, hindi nila alam na artista kami. Akala nila, mga bago kaming pasok, mga bagong salta.”
RELATED CONTENT: BALIKAN ANG MGA NAGANAP SA GRAND MEDIA LAUNCH NG 'MIDNIGHT GIRLS' SA GALLERY NA ITO:
Bilang nasa immersion na rin naman sila, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung naroon pa rin ba ang stigma ng mga nagtatrabaho sa Japan. Ayon kay Jane, meron pa rin talaga at para sa kaniya, iyon ang layon ipakita ng kanilang pelikula.
“I feel like 'yun din po 'yung makikita nila dito sa movie, 'yung updated, 'KUmusta ba 'yung mga kababayan natin ngayon sa Japan? Ano ba 'yung mga nangyayari din sa routine nila, sa daily life nila? KUmusta ang lagay nila doon?'” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy niya, doon din makikita kung gaano kaimportante ang magkaroon ng inner circle, mga kaibigan na malalapitan sa sandali ng pangangailangan.
“I feel like importante rin 'yung inner circle, kung sino 'yung mga kasama natin, 'yung nabi-build natin. Kasi lahat naman tayo may mga pinagdadaanan. Hindi natin alam 'yung pinagdadaanan ng isang tao si mahalaga na malawak din 'yung understanding natin sa isa't isa,” sabi ni Jane.
Panoorin ang panayam kina Sanya at Jane dito: