
Naging usap-usapan noong nakaraang linggo ang nangyaring 'bikini showdown' sa top-rating GMA Telebabad soap na First Yaya.
Pero ayon sa bida ng First Yaya na si Sanya Lopez, dinagdag lang nila ang eksenang iyon para mag-promote ng body positivity, lalong-lalo na sa mga kababaihan.
Bukod kay Sanya, nagsuot din ng bikini sina Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, Thia Thomalla, at Annalyn Barro.
"Pino-promote din namin dito 'yung no to body shaming. Kung ano ka man, be confident," saad ni Sanya kay Nelson Canlas.
"Maging happy ka kung sino ka, kung ano ka, and maging kuntento ka kung sino ka. 'Yun ang importante."
Panoorin ang tinutukoy ni Sanya na bikini showdown sa First Yaya:
Samantala, ito na ang huling beses na magsusuot ng bikini si Sanya sa First Yaya. Nauna nang nag-trending ang pagsuot ni Sanya ng red bikini.
"Sa ngayon 'yun lang muna para hindi magsawa ang mga manonood pero palaban naman si Yaya Melody I think ready naman siya dapat," dagdag ni Sanya.
Panoorin ang buong report ni Nelson sa video sa itaas. Kung hindi ito nagpe-play, pumunta DITO.
Tingnan ang naging bikini showdown nina Sanya sa First Yaya sa mga larawang ito:
Patuloy na tutukan ang First Yaya, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.