
Nagbigay ng babala ang Pulang Araw star na si Sanya Lopez tungkol sa fake account na gumagamit ng pangalan at litrato niya. Nagbigay rin siya ng paalala na huwag basta maniniwala sa mga makikita online.
Unang nag-post ang aktres ng Instagram Story ng screenshot ng message exchange sa pagitan ng nagpapanggap na si Sanya, at ng isang netizen gamit ang isang messaging app. Sa message, makikita na nanghihingi ang scammer ng donasyon para sa mga Aeta sa Zambales.
Kasama rin nito ang screenshot ng profile ng user na nagpapakita ng litrato ni Sanya. Naglagay naman ang aktres ng “Scam Alert” na warning sa kaniyang post, at nagpaalala na 'wag maniniwala agad sa mga ganitong mensahe.
Source: sanyalopez/IG
Sa sumunod na video post ni Sanya, nilinaw niyang hindi siya ang nasa likod ng mga mensaheng ipinapadala sa messaging app.
Aniya, “Sa lahat po ng mga chinat nu'ng scammer, hindi po ako 'yun. Okay? Malinaw, hindi po ako 'yun. 'Wag po kayo magbigay agad-agad ng tulong, my goodness.”
Payo pa ng Pulang Araw star, “Tawagan niyo, i-video call niyo, kailangan mukhang-mukha ko.”
Sa isa pang Instagram Story ni Sanya, isang netizen din ang nagsabing nakatanggap siya ng message mula sa aktres mula sa parehong messaging app. Aniya, nakakuha pa siya ng ibang messages mula sa ibang celebrities at influencers.
Paalala niya, “Ingat tayo sa mga scammer, may ibang Biber message pa ako natanggap, naka-name sa mga artists and influencers too.”
Dagdag pa ng netizen na mabuting i-double check kung totoong ang celebrity o influencer nga ang kausap nila.
Source: sanyalopez/IG
BALIKAN ANG PAG-ALMA NG ILANG CELEBRITIES TUNGKOL SA FAKE SOCIAL MEDIA PAGES SA GALLERY NA ITO:
Samantala, kamakailan lang ay nagbigay rin ng babala ang Voltes V: Legacy director na si Mark Reyes tungkol sa scammers. Sa Instagram, nagbahagi siya ng screen recording ng interaction ng comedy genius na si Michael V. sa isa sa kanila.