GMA Logo sanya lopez
Source: sanyalopez IG
What's Hot

Sanya Lopez, may inamin tungkol sa kaniyang love life

By Kristine Kang
Published December 13, 2023 12:24 PM PHT
Updated December 13, 2023 5:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


Biro ni Sanya Lopez sa kanyang fans, "Ready ba kayo 'pag nagkaroon nga ako?"

Masayang nakibonding ang Kapuso actress na si Sanya Lopez sa kaniyang supporters, na kilala bilang grupong Sanya Warriors, sa kanilang Christmas fans day party ng December 10.

Game na game si Sanya sumali sa mga palaro, sayawan, at Q and A portion kasama ang mga fans, kung saan rin inamin ng Kapuso star ang kaniyang lovelife status.

Kilig ang mga fans ng sinabi niya na " May mga guys naman lumalapit sa atin, 'no? Pero ready ba kayo pag nagkaroon nga ako?"

Pabirong dagdag pa ni Sanya na "Di ko alam kung nanliligaw talaga ba."

Hindi ibinunyag ng Sparkle star kung sino ang kaniyang manliligaw. Sa halip, inilarawan niya kung ano ang ideal man niya.

Ayon kay Sanya, gusto niya faithful at totoo ang pagmamahal na binibigay sa kaniya.

Sabi rin ng Kapuso celebrity, mahalaga rin na irerespeto siya lalong lalo na sa kaniyang pamilya at sa mga taong nagmamahal sa kaniya.

Gusto rin ni Sanya na maunawain ang kaniyang ideal partner tungkol sa trabaho niya bilang aktres.

All the times Sanya Lopez proved she's beauty queen material:

Kabilang si Sanya sa gaganaping GMA historical-action drama na Pulang Araw, kasama sila Alden Richards, David Licauco, at Barbie Forteza.

Babalik rin siya bilang Danaya sa Enchantadia Chronicles: Sang'gre at bibida rin siya sa isang pelikula at single sa 2024.

LEARN MORE ABOUT SANYA LOPEZ AND HER SHOWBIZ CAREER HIGHLIGHTS HERE: