GMA Logo Sanya Lopez
Photo by: sanyalopez (IG)
What's Hot

Sanya Lopez, may ka-date ngayong Valentine's Day?

By Kristine Kang
Published February 5, 2026 4:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kim Molina, Jerald Napoles mesmerize in mermaid-themed pre-wedding film
Idol Tiktok takes on the kitchen! | Farm to Table
#BasyangPH leaves 5 people dead in Iligan

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Hindi mapigilang mag-react ang 'Sang'gre' stars at iba pang celebrities sa nakakakilig na photos ni Sanya Lopez.

Maraming fans ang muling napa-isip sa kasalukuyang love life ng Encantadia Chronicles: Sang'gre star na si Sanya Lopez.

Kamakailan ay ibinahagi ng Kapuso actress ang ilang larawan kung saan makikita siyang may hawak na bouquet of roses.

Kasama rin sa Instagram post ang ilang snippets ng kanyang pagbisita sa isang restaurant. Kapansin-pansin din ang suot ni Sanya na three-diamond necklace na agad umani ng spekulasyon mula sa kanyang followers.

Hindi lamang fans ang kinilig sa naturang larawan. Maging ilang celebrities ay hindi rin napigilang mag-react at magpahayag ng kanilang kilig at suporta para kay Sanya.

Ang kanyang Sang'gre co-star na si Gabbi Garcia ay nag-tag pa sa iba pang 2016 Sang'gres at nagkomento ng "hoyoyyoyoooyyy mga apwe oh."

Samantala, pabirong nagtanong si Glaiza de Castro ng "UHM SO KAILAN NA Sanya Lopez hahaha Kylie Padilla."

Mas lalo pang uminit ang usapan nang sumagot si Sanya ng "HAHAHAHAH sandali lang naman aking mga apwes HAHAHAHA "

Nagpakita rin ng kanilang kilig at suporta sina Kakai Bautista, Cassy Legaspi, at Thia Thomalla, habang patuloy namang pinusuan ng fans ang nasabing post.

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Noong nakaraang taon, naging bukas ngunit simple ang naging sagot ni Sanya nang tanungin siya tungkol sa kanyang love life sa Fast Talk with Boy Abunda.

"Ang masasabi ko lang ay masaya ako at kontento ako ngayon sa lahat," ani ng aktres.

Bagama't hindi niya direktang sinagot ang tanong tungkol sa isang napansing singsing, game siyang sumagot sa "Fast Talk" segment. Dito ay pinili niya ang half-Pinoy, kaedad, may balbas, at non-showbiz na personalidad.

Ibinahagi rin ni Sanya na kamakailan lamang siyang huling kinilig.

May mensahe rin ang aktres para sa misteryosong personalidad na ito.

“Kung sino ka man na may balbas na half-Pinoy na nagpapakilig at nagpapasaya sa akin at nagbibigay ng inspirasyon, I hope tumagal ito hanggang sa habang buhay at sa kabilang buhay,” sabi niya.

Ang nasabing update ay kasunod ng nauna niyang binahagi sa programa na pakiramdam niya ay malapit na siyang magkaroon ng boyfriend.

Samantala, tingnan ang preetiest phtos ni Sanya Lopez sa gallery na ito: