
Ipalalabas na ngayong November 26 ang horror anthology movie na hango sa tunay na kuwento, ang KMJS' Gabi ng Lagim The Movie. Pinagbibidahan ito nina Jillian Ward, Sanya Lopez, Elijah Canlas at Miguel Tanfelix, sa pasalaysay ng award-winning broadcast journalist at host na si Jessica Soho.
Bilang horror ang tema ng kanilang pelikula, hindi malayong may kababalaghan silang naranasan sa set. Ngunit ayon kay Sanya, wala naman silang ganoong karanasan.
“Sa amin po, sa mismong Berbalang, maganda kasi 'yung samahan talaga, siguro nag-enjoy lang kami. I'm with Elijah (Canlas) e so mas marami 'yung kuwentuhan, kahit na bago pa lang kami. Pero 'yung kunyari merong nangyaring kababalaghan doon sa set namin, so far, Tito Boy, wala sa amin sa Berbalang,” sabi ni Sanya nang bumisita siya sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 19.
Ngunit sa set umano ng “Sanib” na pinagbibidahan nina Jillian, Ashley Ortega, Nikki Co, at iba pang premyadong aktor ay may kababalaghan na naganap.
Ani Sanya, “Meron silang naramdaman. Meron pala silang na-experience du'n na parang before mag-take, sina Ashley daw, sina Jillian, ay may narinig na parang nagpe-play na music box.”
Pagpapatuloy pa ng First Lady of Primetime, hinayaan lang umano ng cast ang nangyari dahil magshu-shoot na sila ng eksena. Ngunit pagkatapos, nagkatanungan sila kung saan nanggaling ang tunog.
“And then after daw nu'n, pagka-cut ng scene, wala naman daw palang music box sa lahat ng box na tiningnan. Bago kunan 'yung [eksena na] nasaniban na talaga si Jillian,” sabi ni Sanya.
KILALANIN ANG MGA BIBIDA SA 'KMJS' GABI NG LAGIM THE MOVIE' SA GALLERY NA ITO:
Samantala, bibida naman sina Sanya Lopez, Elijah Alejo, Rocco Nacino, at iba pang aktor sa “Berbalang”. Habang sa “Pocong” naman sina Miguel Tanfelix, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Panoorin ang panayam kay Sanya Lopez dito: