GMA Logo Sanya Lopez and Kuya Germs German Moreno
What's Hot

Sanya Lopez, may mensahe kay Kuya Germs pagkatapos pumirma ng kontrata sa GMA

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 29, 2023 3:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Kuya Germs German Moreno


"I love you, Tay," ito ang mensahe ni Sanya Lopez sa kanyang "tatay" na si "Kuya Germs" o German Moreno matapos pumirma ng exclusive contract sa GMA.

Madamdamin ang naging mensahe ni Sanya Lopez sa kanyang "tatay" na si Kuya Germs matapos niyang pumirma ng exclusive contract sa GMA Network noong September 28.

Ayon kay Sanya, si Kuya Germs ang unang nagtiwala at nag-alaga sa kanya lalo na noong mga panahon na walang-wala siya.

"Umpisa pa lang, alam mo 'yun, Tay, lalo na nung mga nangangailangan kami. Wala, e, wala kami, siya lang 'yung unang-una tumutulong sa amin. Ilang beses pa lang ako sa kanya, siya 'yung ang bilis niyang tumulong," emosyonal na pagkuwento ni Sanya.

"Si Tatay 'yung suporta agad, kung ano 'yung kailangan ng anak [niya], ibibigay [niya] para sa 'yo."

Taos-puso namang pasasalamat ang mensahe ni Sanya kay Kuya Germs at nangakong pagbubutihin niya ang kanyang trabaho.

"Tay, thank you. Thank you sa lahat ng binigay mo sa akin - tulong, pagkakataon. Dahil sa 'yo kaya ako nandito ngayon, at wala nang makakabura noon sa akin. Hanggang sa dulo, matatandaan kong ikaw 'yun, Tay," madamdaming mensahe ni Sanya.

"Kung nasaan ka man ngayon, Tay, maraming salamat. Sana patuloy mo kaming proteksyunan, protektahang magkakapatid sa 'Walang Tulugan' at sa lahat ng mga inaalagaan mo."

Sa huli, ang gusto ni Sanya ay ang makapagbigay ng inspirasyon sa kagaya niyang nangangarap lang noon.

"Marami kang naging inspirasyon, at sana ako din, balang araw, maging maganda at malaking inspirasyon para sa lahat.

"I love you, Tay."

Throughout his career in show business, Kuya Germs helped a lot of up-and-coming artists to have a name for themselves.

ASIDE FROM SANYA, TAKE A LOOK AT THESE CELEBRITIES KUYA GERMS HELPED RISE TO STARDOM: