
Ipinagdiriwang ngayong Martes (December 2) ni Jak Roberto ang kanyang 32nd birthday, at may nakatutuwang pagbati sa kanya ang kapatid at Sang'gre actress na si Sanya Lopez.
Sa Instagram, ipinakita ni Sanya ang ilang sibling moments nila ng Kuya na si Jak at ilang larawan ng aktor sa nakaraan nilang Japan trip.
Pagbati ng aktres, "Birthday nya! Alabyu kuya! Libre mo na ako."
Sa comments section naman ng post na ito ni Sanya, sagot ni Jak, "Thank you! Tara libre mo!"
Bukod kay Sanya, nakatanggap din ng birthday greetings si Jak mula sa fans at ilang celebrities tulad nina Kakai Bautista at Paul Salas.
Happy birthday, Jak Roberto!
Related content: LOOK: The hottest photos of Jak Roberto