What's Hot

Sanya Lopez, may pangako sa managers na tumayong mga ama niya: 'Hindi ko sila iiwan'

By Jimboy Napoles
Published July 24, 2024 6:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hidilyn Diaz, Gilas Pilipinas fly to Thailand for 2025 SEA Games
MRT-3, LRT-2, and LRT-1 roll out free rides to different sectors
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Naiyak si Sanya Lopez habang pinasasalamatan ang kaniyang managers na tumayong magulang na rin sa kaniya.

Naging emosyonal ang Pulang Araw star na si Sanya Lopez sa kaniyang panayam sa 24 Oras nang mapag-usapan ang kaniyang dalawang managers na sina Frank Millari at Alvin Fortuno na tumayo niyang mga magulang simula pagkabata.

Ayon kay Sanya, marami na siyang hinarap na pagsubok at panghuhusga lalo na noong nagsisimula pa lamang siyang maging artista. Pero kinaya niya umano ang lahat ng ito dahil kina Frank at Alvin.

Aniya, “Kaya importante sa akin ang support system ko e. 'Yung mga managers ko na nandiyan palagi sa akin. Ang sabi nila sa akin huwag kang magpaapekto, 'pag nagpaapekto ka, talo ka. Tama 'yun. So gawin mo siyang instrumento para mas galingan pa ng sarili mo.”

Hindi naman napigilan ni Sanya na maiyak nang alalahanin ang mga ginawang tulong sa kaniya ng kaniyang managers.

“[Sila] 'yung tumayong ama talaga sa akin. No'ng mga panahon na gusto kong bumitaw talaga, sila 'yung nandiyan para i-push ka kahit walang-wala kami noong panahon na 'yun sila 'yung nandiyan to help me,” ani Sanya.

Mensahe ng dalagang aktres sa dalawang ama-amahan, “Thank you for guiding me, for protecting me, kahit na ano mang mangyari sa akin, hinding-hindi ko sila iiwan, kahit na anong sabihin ng ibang tao sa kanila, kasi ganun ko sila kamahal.”

Simula sa July 29, mapapanood naman si Sanya sa highly-anticipated series na Pulang Araw. Bibigyang buhay niya rito ang karakter ni Teresita Borromeo na isang aspiring Vaudeville star ngunit mapipilitang maging comfort woman sa pagdating ng mga Hapones sa Pilipinas.

Makakasama ni Sanya sa Pulang Araw sina Barbie Forteza, David Licauco, at Alden Richards. Mapapanood din sa serye ang premyadong aktor na si Dennis Trillo para sa kaniyang natatanging pagganap.


RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Highlights of Sanya Lopez's sparkling career