
Bukod sa talent sa pag-arte, may skills din pala pagdating sa paglalaro ng online games ang ilang Kapuso beauties kabilang sina Sanya Lopez, Shaira Diaz, Faye Lorenzo at Miss World Philippines 2019 Michelle Dee.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng apat ang kanilang hilig sa online games.
“'Yun 'yung common sa amin, mahilig kami sa action,” pahayag ni Shaira na sinang-ayunan naman nina Michelle at Sanya.
Ayon naman kay Sanya, ito ang ginagamit niyang pamatay oras habang naka-quarantine, “Paggising ko, 'yun na 'yung routine ng buhay ko ngayong quarantine, e. Isang game lang, 'pag nanalo ako, workout.”
Inamin din ni Michelle na gusto niya raw talagang mag-level up sa laro kaya nakatuon ang oras at atensyon niya rito.
“Kating-kati ako mag-level up. Two days straight akong tuluy-tuloy.
Born ready sa pakikipaglaban online ang mga nabanggit na Kapuso ladies pero pinangalanan din nila ang mga Kapuso actor na pinangingilagan nilang makalaro online dahil sa galing ng mga ito.
“Si Rayver [Cruz]. Nakikita ko po kasi naglalaro so feeling ko dahil ang galing niya, ini-invite ko siya, ayaw niya makipaglaro sa 'kin. Bakit gano'n?,” biro ni Shaira.
Binanggit naman ni Michelle si Centerstage host Alden Richards.
“'Yung alam kong naglalaro ng Call of Duty ay si Alden [Richards]. E, magaling daw siya so parang nacha-challenge ako,” aniya.
Samantala, takaw atensyon naman ang gaming get up ni Bubble Gang star Faye na ipinost niya sa kanyang Instagram account. Naka-bikini lang kasi siya habang naglalaro.
“Nagkataon lang kasi that time, mainit 'yung panahon tapos nami-miss ko na ngang magpunta sa beach. Tutal nasa loob lang din naman ako ng bahay at kuwarto ko.
“Abangan nila 'yan kung ganyan talaga 'yung get up ko kapag nagla-live streaming ako,” sabi ni Faye.
Dahil sa higit dalawang buwan na quarantine, maraming Pilipino na ang nahihilig sa paglalaro ng online games na anila ay nakapagbibigay-aliw kahit nakapirmi lang sa bahay.
10 online games to play with friends and family during enhanced community quarantine
Panoorin ang buong 24 Oras report: