What's Hot

Sanya Lopez, na-challenge sa bagong empowering film na 'Midnight Girls'

By Kristine Kang
Published March 23, 2026 3:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ancestral house of Gregoria de Jesus reportedly demolished without permits
Cebu's Gazini Ganados reaches Top 5 in MGI All Stars
Farm to Table: Classic Pinoy dishes

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Gaganap si Sanya Lopez bilang Pinay entertainer sa Japan sa upcoming film na 'Midnight Girls.'

Isa na namang women-empowering role ang gagampanan ni Sanya Lopez sa kanyang bagong proyekto ngayong taon.

Kamakailan, inilabas ang unang teaser ng upcoming film na Midnight Girls, na tampok sina Sanya, Jodi Sta. Maria, Loisa Andalio, at Jane Oineza.

Iikot ang kuwento sa buhay ng Pinay entertainers sa Japan na gagawin ang lahat upang lumaban sa mga hamon sa buhay.

Sa isang panayam ng GMA Integrated News, ibinahagi ni Sanya ang kanyang mga paghahanda para sa kanyang challenging role.

Kabilang dito ang pagte-taping sa Japan at pakikipagtrabaho sa iba pang cast ng pelikula.

"Mag-aral kung paano mag-Japanese, isa 'yon. At the same time, siyempre working with them," ani Sanya.

"Nag-aadjust din ako, triny ko muna, kinapa ko po muna sila kung paano sila katrabaho. Pero grabe, iba sila makasama. Super nag-enjoy din ako. Ang galing ng lahat, talagang kailangan ko ring galingan," dagdag niya.

Bago ang Midnight Girls, kilala na si Sanya sa kanyang empowering roles sa telebisyon at pelikula.

Kabilang dito ang mga karakter niyang sina Allyson (Playtime), Teresita Borromeo (Pulang Araw), Yaya Melody (First Yaya), at Hara Urduja (Mga Lihim ni Urduja).

Napapanood din si Sanya bilang Sang'gre Danaya sa GMA superserye na Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito online via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

Samantala, tingnan ang prettiest photos ni Sanya Lopez sa gallery na ito: