GMA Logo Sanya Lopez
Photo by: sanyalopez (IG), Samahan Ng Mga Makasalanan
What's Hot

Sanya Lopez, na-challenge sa beach scene ng 'Samahan ng mga Makasalanan'

By Kristine Kang
Published April 29, 2025 5:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

P581M worth of recovered assets 'not adequately preserved' by PCGG —COA
December 8, 2025: Balitang Bisdak Livestream
Check out the looks Cyrille Payumo has served at Miss Charm so far

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Kumusta kaya ang experience ni Sanya Lopez matapos maligo sa dagat ng Ilocos Sur? Alamin dito.

Patuloy ang mainit na suporta at pagmamahal ng fans sa satirical comedy film na Samahan Ng Mga Makasalanan!

Pinusuan ng marami ang solid na kuwento, nakakatawang mga eksena, at makabuluhang aral na hatid ng pelikula.

Inabangan din ng fans sa big screen.ang hot scenes ni Sanya Lopez bilang ang sexy at magandang si Mila.

Partikular na pinag-usapan online ang kanyang iconic beach scene, kung saan ipinamalas ng Kapuso star ang kanyang fit at stunning figure.

Sa isang online exclusive ng GMA Pictures, ibinahagi ni Sanya ang kanyang behind-the-scenes experience.

Makikita siyang masaya habang kumakain ng meryenda sa break ng shooting. Pero nang tanungin tungkol sa kanyang karanasan sa dagat ng Ilocos Sur, pabirong sabi niya: "Ayun nasama ako doon sa lupa, charot lang."

Dagdag din niya, "Ang sarap naman [maligo]. Kaya lang ang lakas ng alon. 'Di ba, dala-dala ako."

Kahit may konting hirap sa taping, masaya pa rin si Sanya na nakaligo sa dagat. "Nabitin ako e. Parang now siyempre 'pag work tayo, work talaga tayo," aniya.

Kuwento pa niya, naging challenging din ang kanyang paghahanda para sa pelikula.

"Hindi ako nakakain kasi pinaghahandaan ko sana 'yung swimwear," sabi niya.

Sa kabila ng mga paghihirap, sulit ang pagod naman daw ni Sanya dahil sa suporta ng buong Samahan Ng Mga Makasalanan team at sa mga lokal ng Vigan.

"Thank you rin sa mainit na pagtanggap ng mga taga Vigan. Kasi ramdam namin 'yung suporta nila sa amin."

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Mapapanood ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa mga sinehan nationwide.

Ito ay idinerehe ni Benedict Mique at produksyon ng GMA Pictures.

Kasama ni Sanya Lopez ang magagaling na cast na sina David Licauco, Joel Torre, David Shouder, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Buboy Villar, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Chanty Videla, Jay Ortega, Christian Singsong, Shernan Gaite, Batmanunulat (Jerome Lois Esguerra), Tito Abdul (David Domanais), Tito Marsy (Christian Kimp-Atip), Yian Gabriel, Liana Mae, at child star Euwenn Mikaell.

SAMANTALA, NARITO ANG HOTTEST PHOTOS NI SANYA LOPEZ: