GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, nag-react sa komentong OA ang kanyang pag-arte sa 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published April 16, 2021 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

YEARENDER: Flood control cases, complaints, referrals filed in 2025
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Si Yaya Melody, may basher? Alamin kung paano sinagot ni Sanya Lopez ang komento tungkol sa kanyang pag-arte sa 'First Yaya.'

Tinawag ng isang manonood na “OA” si Sanya Lopez sa kanyang pagganap bilang Yaya Melody sa First Yaya.

Sanya Lopez

Gumawa ng vlog si Sanya kung saan kanyang binasa ang mga komento ng mga manonood ng kanyang pinagbibidahang Kapuso rom-com series. Sa kanyang natanggap na feedback, may isang komentong nagsasabing OA or over-acting daw siya. Ikinumpara pa nito ang First Yaya sa isang lumang show sa kabilang network.

Tugon ni Sanya, “'Yung Be Careful With My Heart po, alam ko, balita ko na napakaganda ng teleserye na 'yan pero uunahan po namin kayo na ang First Yaya po at Be Careful With My Heart ay magkaibang-magkaiba po. Sana later on magustuhan mo rin ang First Yaya.

Gayunpaman, mas marami pa rin ang may positibong nasabi tungkol teleserye nila ni Gabby Concepcion.

Pagpuri ng isang Kapuso abroad, “Kakatuwa ka Melody. Natural na natural lahat ng moves mo. Super enjoy ako sa panonood from Malaysia.”

Marami rin ang pumansin sa husay ni Sanya sa pagpapakilig, pagpapatawa at pati na sa drama.

Komento ni Myverly Caasi, “Gustong gutsto ko ang role ni Melody. Kakakilig at kayang kaya niyang umarte. Nawawala stress ko pag napapanood ko na siya.”

Ayon naman kay Queen MO, “So proud of you Sanya Lopez. Ilang balde ban g luha ang iiiyak ko dito. Sobrang galing mo.”

Maliban dito, pinuri rin si Sanya para sa kanilang chemistry ni Gabby at pati na sa mala-K-dramang cinematography ng First Yaya.

Panoorin ang kabuuan ng kanyang reaction video rito:

Kinikilig ka rin ba sa tambalan nila ni Gabby? Silipin kung bakit meant to be sina Yaya Melody at President Glenn sa gallery na ito:

Kilalanin din ang characters ng modern-day fairty-tale story na ito sa gallery sa ibaba:

Ang First Yaya ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa GMA Telebabad. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.