
Ibinahagi ni Sanya Lopez ang kaniyang opinyon tungkol sa pagpili sa pagitan ng love life at career.
Sa Bare It All podcast ni Dani Barretto, napag-usapan nila, kasama ang Midnight Girls co-star ni Sanya na si Jodi Sta. Maria, ang tungkol dito.
Ayon kay Sanya, "Meron moment na kailangan mong mamili. Dun sa career mo, bawal ang love life, 'di ba may ganyan. So, kailangan mo siyang tantsahin.
"Kapag pinili mo si love, at least masaya ka, happy ka, 'di ba? Pero ang tanong. Hanggang saan 'yung happiness na 'yun?"
PHOTO SOURCE: @sanyalopez
Para kay Sanya, nakadepende pa rin ang desisyon sa kung saan mas magiging masaya ang isang tao.
"It depends pa rin kung saan ka magiging okay. Siyempre, we want na sana balanse siya. Parang laging nangyayari na minsan masaya ka sa career, hindi sa love life. Masaya ka sa love life, hindi sa career."
Dagdag pa niya, mas madalas umanong love life ang nagsasakripisyo kapag kailangang mamili.
"Yung love, feeling ko, kung may love din talaga sa'yo, maiintindihan niya 'yung sa career na meron ka. So, feeling ko mas nagsa-sacrifice ang love talaga."
Tinanong naman ni Dani kung napapansin ba nila kung mas madalas itanong sa mga babae ang pagpili sa pagitan ng love at career.
Sagot ni Sanya, "Parang siguro may tao rin naman kasi, na siguro talagang nakakasanayan na talaga na 'yung laging babae 'yung nag-a-adjust. Pero may babae rin... nakaka-proud din sa babae na kaya nilang, kung ayaw, huwag. Okay kami, masaya kami with our life, with my life, and kung anong meron ako."
Dagdag pa niya, "Ngayon kung hindi mo kayang mag-adjust para doon, maybe it's not meant to be."
NARITO ANG STUNNING PHOTOS NI SANYA LOPEZ: