What's Hot

Sanya Lopez, nagpaka 'cheesy' para sa kapatid na si Jak Roberto

By Marah Ruiz
Published September 22, 2017 2:49 PM PHT
Updated September 22, 2017 3:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Iran protests abate after deadly crackdown, Trump says Tehran calls off mass hangings
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News



Sibling goals talaga sina Sanya at Jak!

Isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni Kapuso leading lady Sanya Lopez para sa kanyang nakatatandang kapatid na si Jak Roberto. 

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi si Sanya ng picture nila ng kanyang Kuya Jak mula sa kanilang recent Road Trip episode sa Albay.

 

Magkasama tayo sa lahat ng hirap at pag subok sa buhay..Naging inspirasyon kita sa lahat ng bagay na ginagawa ko.. Walang magbabago hanggang sa mga pag tanda natin..I'm very grateful na kapatid kita..Salamat sayo kuya.. Love you always! #OPPOmoments #OPPOF3 #SelfieExpert @oppophilippines PS. Ang chessy ko jan kuya???????? di ako sanay HAHA minsan lang to ???? love you ????????

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez) on


"Magkasama tayo sa lahat ng hirap at pagsubok sa buhay. Naging inspirasyon kita sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Walang magbabago hanggang sa mga pagtanda natin. I'm very grateful na kapatid kita. Salamat sa 'yo kuya. Love you always!" sulat niya sa caption ng kanyang post.

Dahil wala namang okasyon, inamin ni Sanya na may pagka 'cheesy' ang kanyang mensahe. 

"Ang cheesy ko diyan, kuya. 'Di ako sanay. HAHA. Minsan lang 'to. Love you," dagdag pa ng aktres.

Very visible sa showbiz ngayon ang magkapatid. Matapos ang breakout role niya sa 2016 remake ng iconic telefantasyan na Encantadia, isang lead role sa GMA Afternoon Prime series na Haplos ang nasungkit ni Sanya. In-demand naman bilang aktor si Jak matapos bumida sa hit GMA Telebabad series na Meant To Be