What's on TV

Sanya Lopez, naiyak nang maalala kung paano siya pinasikat ng 'Encantadia'

By AL KENDRICK NOGUERA
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated May 15, 2017 6:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Via Crucis (Way of the Cross) procession during Good Friday celebrations in Rome
Suspect in killing of farmer in GenSan nabbed
Daig Kayo Ng Lola Ko: Download Mommy (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News



"...Kapag nagfa-flashback sa 'kin, nare-realize ko na napaka-blessed ko sa show na 'to." - Sanya Lopez

Isa sa fast rising Kapuso stars ang aktres na si Sanya Lopez. Nag-umpisa ang kanyang pagsikat nang masungkit niya ang iconic role ni Sang'gre Danaya sa telefantasya na           Encantadia.

 

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

 

 

Matapos ang isang taong pamamayagpag ng Encantadia, muling inalala ni Sanya ang mga panahong kaunti pa lamang ang nakakakilala sa kanya. "Sobra pong [maraming nabago sa 'kin]. Before kapag naglalakad ako sa mall, walang pumapansin sa 'kin. Pero ngayon, kapag naglalakad ako, uy si Danaya 'yon ah," saad ng aktres.

Habang nagkukuwento, hindi napigilan ni Sanya na umiyak nang makita ang Executive Producer ng Kapuso show na si Winnie Reyes. "Before ako mag-start, naiiyak ako narito kasi si Tita Winnie. Alam kasi ni Tita Winnie kung saan ako nanggaling. Kapag nagfa-flashback sa 'kin, nare-realize ko na napaka-blessed ko sa show na 'to," pahayag niya.

Labis ang naman daw ang lungkot na nararamdaman ni Sanya dahil magtatapos na ang Encantadia. "Nakaka-sad pero I'm sure naman na kung mawala naman po 'yung Encantadia, may susunod pang magagandang shows. And I'm praying din po na sana mayroon din po akong show na parating," pagtatapos niya.

Panoorin ang huling linggo ng Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad. Samantala, abangan ang paghahari sa himpapawid ng Mulawin VS Ravena, ngayong May 22 na!