Ngayong malapit nang lumabas si Sanya Lopez bilang Sang'gre Danaya sa Encantadia, lalo raw siyang nakakaramdam ng matinding kaba at pressure.
Pero ayon kay Sanya, ang kanyang mga nararamdaman ngayon ang nagtutulak sa kanya para mas galingan paang pagbibigay buhay sa karakter ni Sang'gre Danaya. "Dapat galingan ko po sa role na ibinigay sa 'kin," saad niya.
Sanya Lopez, hindi inaasahang masusungkit ang role ni Danaya sa 'Encantadia'
Dahil sikat na sikat ang pangalan ng former Danaya na si Diana Zubiri, hindi raw talaga maiiwasang maikumpara si Sanya sa dating aktres. Aniya, "Pinagpe-pray ko nga na sana [ay] mapantayan ko 'yung galing na ginawa niya."
IN PHOTOS: 'Encantadia' then and now
Noong ianunsyo na si Sanya ang nakasungit sa role ni Danaya, isa sa mga naunang bumati sa kanya si Diana.
Abangan ang paglabas ni Sanya bilang Sang'gre Danaya sa Encantadia, gabi-gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.
MORE ON SANYA LOPEZ:
'Encantadia' star Sanya Lopez talks about her role as Danaya in her latest online fashion feature
Ano ang tipong lalaki ni 'Encantadia' star Sanya Lopez?
IN PHOTOS: Meet Encantadia's new Danaya, Sanya Lopez