What's on TV

Sanya Lopez on 'Pulang Araw:' 'Hindi maluluma'

By Marah Ruiz
Published December 20, 2024 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


"Hindi maluluma" para kay Sanya Lopez ang seryeng 'Pulang Araw.'

Para kay Kapuso actress Sanya Lopez, isang timeless na obra ang GMA Prime wartime family drama na Pulang Araw.

Kuwento ito ng apat na magkakaibigan na humarap sa iba't ibang pagsubok na dala ng World War II sa Pilipinas.

Gumaganap naman siya dito bilang Teresita, isang bodabil performer na naging comfort woman.

Dahil sinasalamin nito ang isang mahalagang bahagi ng kasaysayan ng bansa, umaasa si Sanya na marami pang makakapanood nito sa paglipas ng maraming taon.

"Lahat ng ginawa ko kasing show, sobrang mahal na mahal ko e. Pero ito, sobrang sarap lang sa pakiramdam na ipagmalaki pa, lalo na sa mga susunod na henerasyon," pahayag ni Sanya.

"Hindi maluluma--'yun 'yung masarap dito sa show na ginawa ko, dito sa teleseryse na 'to," dagdag nito.

Matatandaang tinukoy ni Sanya bilang highlight ng kanyang taon ang pagkakasama niya sa Pulang Araw sa isang panayam ng Tatler Philippines.

Naging matalinghaga naman si Sanya nang tanungin kung ano ang dapat abangan sa nalalapit na pagtatapos ng Pulang Araw.

"Abangan n'yo kung anong mangyayari sa finale kina Teresita, Eduardo (Alden Richards), Hiroshi (David Licauco), at Adelina (Barbie Forteza). Ang daming nakaabang, ano ba? May mamamatay ba? Sino ang mamamatay? Ilang ang mamamatay?" bahagi ng aktres.

Gayunpaman, tiniyak niya na naaayon pa rin sa kasaysayan ang magiging ending ng serye.

"Itong giyera na 'to, mag-iiwan ng scar sa ating mga Pinoy. Ganoon 'yung iniwan ng giyerang ito," aniya.

Sa nalalapit na pagatatapos ng Pulang Araw, naging kanlungan ni Teresita ang simbahan matapos niyang makatakas mula kay Col. Yuta Saitoh.

Patuloy naman si Hiroshi sa paghahanap kay Adelina, habang mas umiigting ang mga engkuwentrong hinaharap ni Eduardo at ng kanyang pangkat ng mga guerilla.

Patuloy na panoorin ang lalong lumalalim ng kuwento ng Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.

Maaari rin itong panoorin online sa Kapuso Stream.

Panoorin din ang same-day replay sa GTV, 9:40 p.m.