
Malinaw ang pagpapaliwanag ni Sanya Lopez nang tanungin kung bakit hanggang ngayon ay NBSB o no boyfriend since birth pa rin siya.
Pagkatapos ng press conference ng pinagbibidahan niyang pelikulang Playtime kasama sina Coleen Garcia, Faye Lorenzo, at Xian Lim, malinaw ang naging pahayag ni Sanya tungkol sa pagkakaroon niya ng nobyo.
"Hindi ko rin talaga siya hinahanap, dapat ako 'yung hinahanap niya," natatawang pahayag ni Sanya.
"[Mayroon] pero hindi lang 'yung time na puwede ako. Mahirap 'yung klase ng trabaho na meron ako, kaya naman kung kaya niyang tanggapin, katulad nga po nung sinabi ko, may Sang'gre, may Pulang Araw, may Playtime.
"Kung kaya niya 'yon tanggapin, kung saan siya sisingit doon, okay ganon."
Ayon kay Sanya, sinisigurado niyang bukal ang kalooban ng kanyang manliligaw bago niya ito sagutin.
"Lagi naman tayong [may kinikilatis] pero kung sino 'yung talagang, 'yung talagang totoo, kasi gusto ko 'yung siyang siya na.
"Kasi, 'di ba, minsan nauudlot kaya ganon, Baka kaya hindi natutuloy kasi ang daming nag-e-expect," pagbibiro ni Sanya.
Bukod sa Playtime, bibida rin si Sanya sa GMA Prime series na Sang'gre at Pulang Araw.
Idinerehe ni Direk Mark Reyes, mapapanood sa mga sinehan sa buong bansa ang Playtime simula June 12.