What's on TV

Sanya Lopez, pinormahan ng isang Kapamilya actor?

By Bianca Geli
Published October 14, 2019 6:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Diretsahang sinagot ni Sanya Lopez ang pagiging malapit niya sa dalawang celebrity mula sa ibang network. Panoorin sa segment ng 'Studio 7' na "Count to 10."

Diretsahan ang mga sagot ni Kapuso hottie na si Sanya Lopez sa “Count to 10” segment sa Studio 7 kasama si Paolo Contis at Donita Nose.

On the spot na sinagot ni Sanya ang mga kontrobersyal na tanong sa kanya sa halip na gumawa ng consequences.

Isa sa mga tanong ay tungkol sa real score sa pagitan nila ng isang Kapamilya actor, na nakitang kausap niya sa isang marathon event.

Sagot ni Sanya, “Hindi, wala…magkasama lang kami talaga sa isang endorsement. Sobrang bait naman niya,” saad ni Sanya.

Hindi na pinangalanan ang nasabing Kapamilya actor pero hirit ni Paolo, “Mahilig siyang mang-ghost, e, so baka nagpaparamdam siya sa 'yo?”

Idiniin naman ni Sanya na nagkausap lamang sila dahil sa kanilang endorsement.

Hindi rin maiwasang maitanong kay Sanya ang pagkaka-link niya sa singer na si Michael Panglinan noong magkasama sila sa Walang Tulugan.

Nilinaw ng aktres na hinahangaan niya lang ang pagiging mahusay na singer ni Michael, ngunit hanggang doon lang ang kanilang pagkakaibigan.

“Close friends lang talaga kami. Gusto ko lang maging singer tulad niya, pero wala,” sagot ni Sanya.

IN PHOTOS: Sanya Lopez, Thia Thomalla, and other celebs join running event

IN PHOTOS: Pinoy celebrities na may YouTube channels

#BeVigilant: Celebrities na ninakawan