
Muling mapapanood ang tambalan nina Sanya Lopez at Rocco Nacino bilang sina Desiree at ang pikotilyong si Phil sa Dear Uge ngayong Linggo, September 23.
Kahit sexy at maganda si Desiree, hirap pa rin siyang mapaibig si Phil lalo na at chick magnet din ito. Kaya naman, papayuhan siya ng kanyang Nanay Tina (Maureen Larrazabal) na pikutin na lang ang binata.
Aasa na nga lang ba rito si Desiree, o maniniwala pa rin siya sa tamang proseso ng pag-ibig?
Subaybayan ang nakakakilig at nakakatuwang kuwentuwaang ito sa nag-iisa at nangungunang comedy anthology sa bansa, ang Dear Uge ngayong Linggo, September 23.