
Muling bumisita ang Sparkle star na si Sanya Lopez sa noontime variety program na It's Showtime ngayong Huwebes (November 7).
Sa pagbabalik ng Pulang Araw star sa naturang afternoon show, nagsilbi siyang guest hurado sa segment na “Kalokalike Face 4” kasama sina Gladys Reyes at Teddy Corpuz.
Masayang binati rin ng aktres ang mga manonood ng iconic line na “What's up, Madlang People” at mainit din siyang binati ng hosts ng programa sa kanyang pagbabalik.
“Thank you. Lagi akong masaya kapag nandito ako,” aniya.
Pinuri naman ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang ganda ng Sparkle artist.
“Masaya rin kaming naririto ka. Ang ganda, ganda mo,” ani ng seasoned comedian at host.
Dagdag ni Jhong Hilario, “Kapag nandito ka, ang Sanya Sanya (saya saya) namin.”
Bago pa man ito, napanood na si Sanya sa It's Showtime nang mag-debut ang programa sa GMA-7 noong Abril. Nagkaroon na rin ng sultry dance performance ang morena beauty kasama ng Showtime Babydolls noong July 2023.
Nakasama pa ni Sanya si Barbie Forteza at ang ilan pang Kapamilya stars sa isang dance performance nang mag-debut ang It's Showtime sa GTV noong July 1, 2023.
Related gallery: Kapuso stars na bumisita at nakisaya sa 'It's Showtime'
Mapapanood si Sanya sa Pulang Araw, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.