
May maagang reunion ang "The Dears" na nabuong friendship ng First Lady star na si Sanya Lopez kasama ang ilan pa sa cast ng series na sina Maxine Medina, Kakai Bautista, Cai Cortez, Thia Thomalla, at Thou Reyes.
Sa kanyang Instagram nitong Linggo, November 13, ibinahagi ni Sanya ang mga larawan ng masayang get-together nila ng kanyang mga kaibigan at dating co-stars sa pinagbidahang top-rated series.
"The night is young and so are we," simpleng caption ni Sanya sa kanyang post.
Makikita sa post ng aktres ang kulitan at bonding nila sa isang resto na talagang tila na-miss ang isa't isa.
Hindi naman ito ang unang beses na muling nagsama-sama ang magkakaibigan dahil nauna na rin silang magkaroon ng mini-reunion sa 26th birthday celebration ni Sanya noong August 9.
Matatandaan na mabilis na nabuo ang kanilang pagkakaibigan na tinawag na "The Dears" habang ginagawa ang matagumpay na Kapuso seryeng First Yaya na nagkaroon pa ng sequel na First Lady.
BALIKAN ANG BONDING MOMENTS NINA SANYA AT "THE DEARS" SA SET NG FIRST LADY SA GALLERY NA ITO: