GMA Logo Sanya Lopez Rochelle Pangilinan
Source: GMANetwork
What's on TV

Sanya Lopez, Rochelle Pangilinan, nag-ala 'sinaunang SexBomb dancers' sa 'Mga Lihim ni Urduja'

By Abbygael Hilario
Published March 1, 2023 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

TD Wilma crosses Eastern Samar
#WilmaPH moves north of E. Samar, over waters of Dolores
Netflix is buying Warner Bros.

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez Rochelle Pangilinan


Marami ang nahumaling sa ganda at kaseksihan nina Sanya Lopez at Rochelle Pangilinan sa #UrdujaItinakda episode ng mega seryeng 'Mga Lihim ni Urduja.'

Napanood sa ikalawang episode ng action-adventure series na 'Mga Lihim ni Urduja' kagabi ang sayaw ng Tawalisi na pinangunahan nina Hara Urduja (Sanya Lopez) at Dayang Salaknib (Rochelle Panglinan).

Sa naturang eksena, ipinamalas ng Kapuso stars na sina Sanya at Rochelle ang kanilang husay pagdating sa pagsasayaw.

Habang umiindayog ang dalawa suot ang kanilang costumes, kitang-kita kung gaano kaganda at ka-sexy ang kanilang mga katawan.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Nag-react naman ang netizens at tinawag pa ang mga ito bilang 'sinaunang Sexbomb dancers.'

“Mga sinaunang Sexbomb ng Tawalisi. Ang hot nila huh,” ani @Simply_PaulG23.

“Laban laban, walang babawi,” komento ni @abbey_cayco.

Habang tumatagal ay mas lalong pinapahanga nina Sanya at Rochelle ang mga manonood.

Sa pilot episode ng mega serye, ipinakita naman ng mga aktres ang kanilang husay at angas pagdating sa fight scenes.

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork)


Samantala, sa susunod na episode, muling mapapanaginipan ni Gemma si Hara Urduja.

Ano kaya ang gustong ipabatid ni Urduja sa kaniya?

Abangan mamayang gabi sa 'Mga Lihim ni Urduja,' 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

KILALANIN ANG CAST NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: