GMA Logo Sanya Lopez and Gabby Concepcion in First Lady
What's on TV

Sanya Lopez sa finale ng 'First Lady:' 'Kapanapanabik'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 1, 2022 9:30 AM PHT
Updated July 2, 2022 11:16 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Angelina Jolie bares mastectomy scars in magazine feature
'Puno Ng Puso Ang Paskong Pinoy' (2025 GMA Christmas Station ID Jingle) official audio released
4 entrapped in Mandaue City for land title scam

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Gabby Concepcion in First Lady


Ano kaya ang mangyayari sa karakter ni Sanya Lopez na si Melody sa pagtatapos ng 'First Lady?'

"Kapanapanabik!"

Ito lang ang masasabi ni Kapuso actress Sanya Lopez sa kung ano ang dapat abangan ng mga manonood sa huling episode ng top-rating series na First Lady mamayang 8 p.m. sa GMA Telebabad.

Simula noong nanganib ang buhay ni President Glenn (Gabby Concepcion) ay si Melody na ang pumalit sa kanyang kandidatura sa pagkapresidente. Kinalaunan ay naging maayos din ang kalagayan ni Glenn kaya siya na ulit ang tumakbo sa pagkapangulo at nanalo.

Ano na kaya ang mangyayari sa buhay ni Melody?

Sagot ni Sanya, "'Yun lang, kapanapanabik ang finale."

Bukod sa malaking palaisipan kung magiging presidente si Melody, marami rin ang naghihintay kung ano ang magiging kasarian ng anak nina Melody at Glenn.

Ngayong kumpirmado nang buntis si Melody, magkakaibang gender ang gusto nina Cassy Legaspi, Clarence Delgado, at Patricia Coma na gumaganap bilang ang magkakapatid na Nina, Nathan, at Nicole.

Sagot ni Patricia, "Girl para walang kakampi si Clarence!"

Para kay Clarence naman, "Ako boy siyempre para may kakampi naman ako, hindi 'yung pinagtutulungan ako nina Ate Nina at Nicole."

Ani Cassy, "Gusto ko boy kasi may parang gut feeling ako na lalaki."

Panoorin ang finale ng First Lady sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras. Naka-live streaming din ito sa GMANetwork.com, GMA Network Facebook page, at GMA Network YouTube channel.