GMA Logo Sanya Lopez
Celebrity Life

Sanya Lopez shares key lesson in 2023: "Patawarin ang sarili"

By Kristian Eric Javier
Published January 13, 2024 9:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Bakit nga ba nasabi ni Sanya Lopez na ang biggest lesson na natutunan n'ya noong 2023 ay ang pagpapatawad sa sarili?

Maganda ang simula ng 2024 para sa First Lady of Primetime na si Sanya Lopez dahil bukod sa pagbabalik niya bilang si Danaya sa Encantadia Chronicles: Sang'gre ay lalabas din siya bilang isang vaudeville actress sa historical drama series na Pulang Araw.

Ngunit bakit nga ba sinabi ni Sanya sa kanyang interview sa Updated with Nelson Canlas podcast, na isa sa natutunan niya noong 2023 ay ang pagpatawad sa sarili.

“Biggest lesson ko po talaga siguro 'yung kailangan natin patawarin 'yung sarili natin. Kasi may mga bagay tayo na, may mga pagkakamali rin sa buhay natin na feeling natin, hindi na natin kayang patawarin 'yung mga sarili natin,” paliwanag ng aktres.

Dagdag pa niya ay maraming tao ang nadadamay kapag feeling down ang isang tao tuwing may nangyayaring hindi maganda sa buhay nila.

“Ang naging aral lang sa akin, you have to forgive yourself, para matutunan mong mag-forgive din sa iba,” sabi niya.

RELATED CONTENT: Sanya Lopez enjoys her time in Japan

Inamin din ni Sanya na naging masyadong mahigpit siya sa kaniyang sarili noong nakaraang taon at minsan, kahit hindi naman siya ang nagkamali, pakiramdam niya ay kasalanan niya.

“Kailangan lang natin ma-realize na okay, nagkamali ka doon, kailangan itama 'yan sa susunod at 'wag mo nang uulitin kung nagkamali ka. Maging aral 'yung lahat ng pagkakamali at 'wag na natin uulitin pa 'yun,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Sanya na isa sa mga pinakamahirap na nangyari sa kaniya noong 2023 ay ang pag-o-overthink niya. Nang tanungin siya kung iiwanan ba niya ito sa 2023, ang sagot ng aktres, “So far, this January ang ganda ng mga nangyayari sa akin.”

“Parang paggising ko ng morning, ah okay feeling ko. Kasi may epekto sa atin, paggising mo ng umaga at maganda 'yung gising mo, parang Lord, thank you sa blessings,” sabi niya.

Dagdag pa nito, “Yes, I'm ready [to face 2024!].”

Pakinggan ang buong interview ni Sanya rito: