
Sa recent guest appearance ni Sanya Lopez sa Mars Pa More may dalawang rebelasyon siyang inihayag sa 'Lightning Laglagan' segment.
Ang una rito ay ang kilig na kanyang naramdaman sa kissing scene nila ng kanyang leading man na si Gabby Concepcion sa kakatapos lang na hit Kapuso series na 'First Yaya.'
Ang pangalawa ay ang pagtatanong ng kanyang ina kung sila na raw ba ni Gabby.
Matatandaang sa finale ng 'First Yaya' ikinasal ang characters nila ni Gabby na sina PGA o President Glenn Acosta at Yaya Melody.
Nang mapanood ito ng nanay ni Sanya, may nakakalokang tanong ito sa kanya.
Ani Sanya, “"Ang una niyang tanong sa akin, 'Kayo na ba?' Sabi ko, 'Ma? Wait lang, Ma!'
“'Kasi ako dati sobrang crush na crush ko na talaga si Gabby Concepcion,' sabi niya sa'king ganun. 'So ano ang feeling na na-kiss ka ni Gabby?'
“Sabi ko 'Mommy nakakakilig until now,' sabi kong ganoon sa kaniya.”
At nang tanungin si Sanya kung sino ang taong pipiliin niyang pagsilbihan, pinili niya si Gabby.
Ayon kay Sanya, grabe raw kasi mag-asikaso ang kanyang 'First Yaya' leading man noong nagpunta sila ng ibang co-stars nila sa rest house ni Gabby.
"Siguro kasi nakita ko kung paano niya kami alagaan noong nagpunta kami sa Batangas.
“Grabe siya, hindi ka niya pababayaan talaga. Every day yata kailangan niyang mamalengke, as in palengke talaga pupuntahan niya tapos ipamimili ka niya tapos ipagluluto ka rin niya.”
Kamakailan lang ay nag-post din si Gabby ng throwback photo niya na naka-barong na may caption na, “Young PGA BOOK 2? #book2 #abangan”
Kaya naman lalong kinilig ang mga fans at umaasang magkakaroon nga ng Book 2 ang 'First Yaya' soon.
Panoorin ang nakakakilig na mga rebelasyon ni Sanya Lopez sa 'Mars Pa More' video sa itaas.
Kapag 'di naglo-load nang maayos ang video sa itaas, maaari itong mapanood DITO.
Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, panoorin sina mars Iya at Camille sa 'Mars Pa More' mula Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA-7.
Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Mars Pa More sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, visit www.gmapinoytv.com.
Tingnan ang sweetest photos ng First Yaya stars na sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa gallery na ito.