GMA Logo Sanggre stars Sanya Lopez and Bianca Umali as Danaya and Terra
What's on TV

Sanya Lopez, thankful sa feedback ng viewers sa pagkikita nina Danaya at Terra sa 'Sang'gre'

By Aimee Anoc
Published August 27, 2025 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE- Sinulog Festival 2026 | GMA Integrated News
Check out the scenes from the Miss World Philippines press presentation
Brgy. chairman, nephew killed in Cotabato shooting

Article Inside Page


Showbiz News

Sanggre stars Sanya Lopez and Bianca Umali as Danaya and Terra


"Nakakatuwa kasi ang gaganda ng mga feedback and comments ng mga tao... Nakakatuwa lang na ang dami pa rin talagang sumusuporta sa 'Sang'gre.'" - Sanya Lopez

Masaya at thankful si Sanya Lopez sa magagandang feedback na natanggap ng unang pagkikita nina Sang'gre Danaya at Terra sa Encantadia Chronicles: Sang'gre.

Noong nakaraang Miyerkules (August 20), nagkita na sina Danaya (Sanya) at Terra (Bianca Umali) sa Hiraya (panaginip) kung saan nayakap at nakausap nila ang isa't isa.

Sa interview ng 24 Oras, ipinarating ni Sanya kung gaano siya natutuwa na na-feel ng mga tao ang touching scene na ito nina Danaya at Terra at inabangan ang kanyang pagbabalik bilang Danaya sa Sang'gre.

"Syempre nakakatuwa kasi ang gaganda ng mga feedback and comments ng mga tao na naiyak sila, na-feel nila, at na-miss ulit nilang bumalik si Danaya," sabi ni Sanya.

"Nakakatuwa na finally raw nagkita na 'yung mag-ina. Nakakatuwa lang na ang dami pa rin talagang sumusuporta sa Sang'gre," dagdag niya.

Ilan sa komento ng manonood ay naramdaman nila ang "magic" sa pagkikita nina Danaya at Terra sa Hiraya at masaya sila na sa wakas ay nagkita na ang mag-ina.


Patuloy na subaybayan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:00 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.

Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa official Facebook account at YouTube ng GMA Network. Maaari ring panoorin ang full episodes sa GMANetwork.com/Sanggre.

TINGNAN ANG BEHIND THE SCENES NG 'SANG'GRE' CAST MULA SA MUNDO NG MGA TAO RITO: