Celebrity Life

Sanya Lopez to produce content about women empowerment

By Dianara Alegre
Published April 21, 2021 11:50 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Batangas court issues another arrest warrant vs. Atong Ang
BTS's comeback album is titled 'Arirang'
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH

Article Inside Page


Showbiz News

sanya lopez


“Topics about health and siguro more on women empowerment,” says Sanya Lopez about her content plan for her YouTube vlog.

Patuloy ang pamamayagpag ni First Yaya actress Sanya Lopez online dahil sa dahil patuloy na paglaki o paglawak ng social media presence niya.

Sa Instagram, mayroon na siyang mahigit three million followers; sa TikTok naman ay nine million followers; at ngayon, mahigit one million na rin ang kanyang YouTube subscribers.

Sanya Lopez

Source: sanyalopez (Instagram)

Ayon kay Sanya, malaking bahagi ng success niyang ito ang kapatid niyang si Jak Roberto.

Dahil sa showbiz commitments, bihira na lamang daw siya makapag-upload sa vlogs.

Pero dahil lagi naman siyang nafi-feature sa YouTube channel ni Jak, patuloy pa rin siyang napanonood ng kanilang fans.

Puro prank naman ang vlogs ni Jak na kasama si Sanya kaya aliw din ang hatid ng mga ito sa kanilang viewers.

“Bihira ako mag-upload sa aking YouTube, e, talaga namang inaabangan nila.

"Sasabihin niya sa 'kin, 'O, may blog tayo,' 'tapos sasabihin niya sa 'kin kung ano 'yung gagawin namin sa vlog.

“Kinabukasan, magtataka ako kasi parang may iba, parang may mali.

"Ganun lagi 'yung ginagawa niya nangpa-prank niya kaya minsan iniisip ko na ano prank ba 'to. Inuunahan ko na siya,” aniya nang makapanayam ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

“Working with Jak, ano kasi siya madalas gusto niya nakaayon sa lahat,” aniya pa.

Hindi naman daw dapat mag-alala ng subscribers ni Sanya dahil may mga nakalatag na siyang plano para sa mga susunod niyang content.

"Hinding-hindi raw mawawalan ng prank vlogs pero mas magfo-focus siya sa paggawa ng mga mas makabuluhang videos.

“Iniisipan ko pa lang ng paraan kung paano ko mapa-prank si Jak isa 'yon. 'Tsaka topics about health and siguro more on women empowerment,” sabi ni Sanya.

 Sanya Lopez

Source: sanyalopez (Instagram)

Samantala, gabi-gabi ring napapanood ang aktres sa romantic-comedy series na First Yaya kung saan katambal niya ang veteran at award-winning actor na si Gabby Concepcion.

Aniya, nababasa niya ang comments ng publiko at natutuwa siyang nakapaghahatid sila ng ngiti sa mga manonood.

“'Ngayon lang ulit ako na-excite na mag-Monday,' lagi nilang sinasabi 'yon at nakakatuwa dahil lahat ng feedback ng tao ay magaganda.

“Nung napanood nila talagang sobrang sumaya daw sila. First time daw ulit nakita 'yung tatay nila o 'yung mga magulang nila na ngumiti ng ganun,” aniya.

Mapanonood ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.

Samantala, narito ang ilan pang celebrity siblings na may YouTube channel: