
Marami ang natutuwa sa mag-amang Melody at Florencio Reyes sa top-rating GMA Telebabad series na First Lady, na ginagampanan nina Sanya Lopez at Boboy Garrovillo.
Sa First Yaya pa lang ay namatay na si Tatay Florencio, ngunit nakikita pa rin siya ng anak niyang si Melody lalo na tuwing may problema ito.
Bukod sa mga binibigay na advice ni Tatay Florencio kay Melody ay kinatutuwaan rin ng mga manonood ang kanyang mga suot na damit.
Ngayon, masaya ang mga manonood ng First Lady dahil bukod sa telebisyon ay napanood nila ang tandem nina Sanya at Boboy sa pamamagitan ng isang YouTube video.
Sinayaw nina Sanya at Boboy ang orihinal na kanta ng SexBomb Girls na "Sumayaw Sumunod."
Sulat pa ni Sanya, "Baka tatay ko 'yan."
Hindi lang netizens ang naaliw sa sayaw nina Sanya at Boboy dahil pati ang kanilang co-stars sa First Lady ay natuwa rin sa kanilang napanood.
Mapapanood ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin pa ang mga karakter ng First Lady sa gallery na ito: