
Masaya si Sanya Lopez sa takbo ng istorya ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady na napapanahon sa nalalapit na Eleksyon 2022.
Sa First Lady rin kasi ay may magaganap na eleksyon sa pagitan ng incumbent na si Glenn Acosta (Gabby Concepcion) at Allegra Trinidad (Isabel Rivas).
"Maraming matutulungan ngayon 'yan lalo na't napapanahon ang eleksyon. Dito natin malalaman kung sino ang karapat-dapat nating iboto, dapat nating kilatisin, dapat totoo," saad ni Sanya, na bahagi rin GMA News Eleksyon 2022 campaign na 'Dapat Totoo,' sa panayam ni Aubrey Carampel.
Mas lalong umiinit ang istorya ng First Lady, lalo na nasa peligro ang buhay ni President Glenn matapos ang assassination attempt sa kanya ni Allegra.
Dagdag pa ni Sanya, marami pang dapat abangan na mabibigat at heart breaking plot twist sa kanilang istorya.
"Ang bigat nung eksena, sobrang sakit habang ginagawa namin. Rehearsal pa lang pero umiiyak na kami so ganun siya ka-intense."
Ngayong nasa panganib ang buhay ni President Glenn, may posibilidad kaya na karakter ni Sanya na si Melody ang tumakbo sa pagkapangulo?
"Ako? Ako talaga? Bakit? Pero, 'di ba, ayaw naman talaga ni Melody tumakbo, di 'ba? Bilang presidente o kahit ano man, ayaw niya sa pulitika, e.
"Nagkataon lang talaga na napangasawa niya ay si President Glenn Acosta kaya First Lady siya."
Panoorin ang lalong tumitinding kuwento ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagktapos ng 24 Oras.