GMA Logo Sarah Geronimo, Divine Geronimo, Delfin Geronimo
Celebrity Life

Sarah Geronimo pays tribute to her parents on Mother's Day

By Jimboy Napoles
Published May 14, 2023 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

People gather near a light installation ahead of Vesak Day
Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento marks 16 years with a two-part anniversary special
Sayran nato ang Dagan sa Panahon karong Adlawa May 29, 2026 | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

Sarah Geronimo, Divine Geronimo, Delfin Geronimo


Sarah Geronimo sa kaniyang Mommy Divine at Tatay Delfin: “Superheroes ng buhay ko.”

Fresh mula sa kaniyang 20th showbiz anniversary concert, nagbigay naman ngayon ng pagbati ang tinaguriang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo para sa kaniyang mga magulang kasabay ng selebrasyon ng Mother's Day.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sarah ang throwback photos niya kasama ang kaniyang ina at ama na sina Divine at Delfin Geronimo.

Sa kaniyang caption, tinawang niyang, “Superheroes ng buhay ko,” ang kaniyang mga magulang.

Mensahe pa ni Sarah, “I love you nanay at tatay ko.”

Idinaan din ni Sarah sa kaniyang post ang pagbati niya sa kaniyang Mommy Divine, kung saan nagpasalamat siya sa pagmamahal nito para sa kaniya.

“Happy Mother's day po mama. Walang hanggan po na pasasalamat para sa walang katumbas na pag-aaruga at pagmamahal,” saad ni Sarah.

A post shared by Sarah Geronimo (@justsarahgph)

Matatandaan na inialay rin ni Sarah sa kaniyang mga magulang ang isang awitin na inawitin niya sa kaniyang katatapos lamang na concert.

Samantala, sinabi naman ng newest Kapuso at asawa ni Sarah na si Matteo Guidicelli na handa na silang magka-baby ngayong taon.

BALIKAN ANG MASAYANG MARRIED LIFE NINA SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI SA GALLERY NA ITO: