Article Inside Page
Showbiz News
Asahan na lalo pang magiging mainit ang mga pangyayari sa
Makapiling Kang Muli, ngayong nasa huling dalawang linggo na ito.
Asahan na lalo pang magiging mainit ang mga pangyayari sa
Makapiling Kang Muli, ngayong nasa huling dalawang linggo na ito.
In an interview with Kapusto star Sarah Lahbati sa last taping day ng kanyang show sa Calatagan, Batangas, masaya nitong ikinuwento ang kanyang mga natutunan at pinakamami-miss sa
Makapiling Kang Muli.
Nang tanungin ang actress kung ano ang hahanap-hanapin niya sa show, ito ang isinagot niya. "Syempre, ‘yong pagte-taping ng buong cast ang mami-miss ko. Kasi ang dami kong natutunan dito (Makapiling Kang Muli). Lahat sila mahuhusay at saka ‘yong mga aktor na kasama namin ay napakagagaling. Aside from that, mami-miss ko ‘yong taping mismo."
Matatandaan na nagkaroon din ng starring role noon ang actress sa isang fantasy/romance TV series na
Kokak sa Afternoon Prime, ngunit kinukunsidera nito ang
Makapiling Kang Muli, bilang pinakamalaki niyang break. "I’m very blessed na naging parte ako nitong show. I’m very happy sa blessing na ito, at thankful din ako sa mga nanonood at sumuporta sa palabas na ito."
Mami-miss kaya ni Sarah si Richard?
Dahil sa nagsimula ang closeness nina Richard Gutierrez at Sarah sa kanilang show, itinanong namin sa actress kung mami-miss ba nito ang kanyang leading man. “May ganun?! I guess lahat naman, dahil mayroon nang namuong bonding dito. Kahit parang ang bilis ng pangyayari, at parang kailan lang.”
Sarah recalls, “Noong Holy Week nagsimula kami ng taping, at natatakot pa ako noon. Parang kailan lang. Sa tingin ko, ‘yong nabuong friendship namin, hindi naman mawawala kahit tapos na itong show,” nakangiting sagot ng actress.
Ang mga dapat abangan sa Makapiling Kang Muli
Ikinuwento ng actress na mas maaga silang nag-taping upang mapaghandaan ang mga visual effects. "Medyo nagmadali rin kami sa shoot kasi, syempre may mga scenes na kailangang mayroong effects, at aside from that maraming intense na scenes na dapat abangan."
Nang tanungin ito kung ano ang mangyayari sa katapusan ng
Makapiling Kang Muli, ito naman ang kanyang naging sagot. “Iyong ending, sigurado maraming masha-shock kasi ang daming mamamatay.”
Pinasalamatan din nito ang Kapuso viewers na patuloy na sumuporta sa kanilang show, hanggang sa pagtatapos nito. “Sa pagtatapos po ng
Makapiling Kang Muli at sa mga nanonood at sumuporta sa amin, thank you very much!”
Subaybayan si Sarah Lahbati sa huling dalawang linggo ng
Makapiling Kang Muli, pagkatapos ng
Luna Blanca sa GMA Telebabad. -
Paula Panganiban,
GMANetwork.com