
Lubos ang kasiyahan na nararamdaman ng nakababatang kapatid ni former Miss Universe winner Pia Wurtzbach na si Sarah nang ianunsyo ng kaniyang ate ang kasal niya sa long-time boyfriend na si Jeremy Jauncey kahapon, May 5.
Makikita sa Instagram Reel ni Queen Pia na noong Marso pa ginanap ang intimate beach wedding nila ng kaniyang mister.
Samantala, isa sa mga unang bumati kina Mr. and Mrs. Jauncey si Sarah. Sabi ng UK-based influencer sa kaniyang post, “Woooooo!!! I love you guys, can't wait to see you both grow old together with your babies.”
Dagdag niya, “Can't escape us now! Hahaha let the new chapter begin! GIVE ME SOME NEPHEWS AND NIECES.”
Source: sarahwurtzbach (IG)
Isinapubliko nina Pia at Jeremy ang kanilang engagement noong May 2022.
KILALANIN ANG MISTER NI PIA WURTZBACH SA GALLERY NA ITO: