
Ngayong July 6, masusubok ang galing ng twins na sina Mavy at Cassy Legaspi.
Sa Sarap, 'Di Ba? ay maghaharap sina Mavy at Cassy para sa isang fun challenge.
Ang challenge na inihanda sa kanila ni Carmina Villarroel ay ang tinatawag na "Sarap Cook-Off."
Dito, magpapagalingan ang kambal sa kanilang kaalaman sa pagluluto.
Makakasama rin nila sa masayang episode na ito sina Barbie Forteza bilang Krissy Anino at si Pekto Nacua bilang Donald Trumpet.
Abangan ang fun Saturday morning challenge and bonding na ito sa Sarap, 'Di Ba?