
Ngayong July 18, magsisimula nang ipalabas ang fresh episodes ng Saturday morning show na Sarap, 'Di Ba?
Ang hosts ng programa na sina Carmina Villarroel, Mavy and Cassy Legaspi ay mapapanood mula sa Legaspi home. Ang special quarantine series na ito ay tatawaging Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Makakasama rin sa masayang episodes na ito si Zoren Legaspi na tatayong direktor sa kanilang tahanan.
Sa kanilang pilot episode sa special series, ipapakita nila ang kanilang close bond bilang pamilya at kung saan sila thankful kahit nahaharap ang mundo sa COVID-19 pandemic. Meron ring recipes at challenges na ibabahagi sina Carmina, Mavy, at Cassy.
Meron ring special guest ang pilot episode na ito. Si Christian Bautista ay magbibigay ng exclusive tour sa kanilang tahanan ni Kat Ramnani.
Abangan ang Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition simula ngayong July 18, 10:45 a.m. sa GMA Network.