
Nitong August 28, ibinahagi ni Ysabel Ortega ang kaniyang iniidolong K-Pop group sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sa episode na ito ikinuwento ng aktres kung kailan siya naging fan ng sikat na South Korean group na BTS.
Ipinakilala rin ni Ysabel kung sino ang kaniyang bias at kaniyang mga merch ng BTS.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Napanood din sa episode na ito ang buhay probinsya ni Ysabel sa La Union. Dito, ipinakita ng aktres ang ginagawa ng kanilang pamilya para sa kanilang farm. Nagbahagi rin si Ysabel ng recipe gamit ang ilang fresh produce nila sa farm.
Napasabak rin si Ysabel sa game na jojowain o totropahin. Sino kaya sa mga Kapuso stars ang jowa material para sa aktres?
Sundan ang masasaya pang episodes ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado, 10:00 am sa GMA Network.
Silipin ang mga matatagpuan sa farm nina Ysabel sa gallery na ito: