
Napanood nitong April 23 ang isang nakakatuwang tapatan ng Clashers at BakClashers sa Sarap, 'Di Ba?
Naka-bonding nina Carmina Villarroel at Mavy Legaspi ang mahuhusay sa biritan na sina The Clash alumni Jennie Gabriel at Anthony Rosaldo. Kabilang din sa episode na ito ang funny and talented BakClashers na sina Raven Ikeda and Ina Magenta at ang NCAA courtside reporter na si Charisse Orozco.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Ipinakita nila ang kanilang husay sa pagkanta ng all-time favorite birit songs habang humaharap sa set of challenges na inihanda ng Sarap, 'Di Ba?
May recipe ring inihain sina Carmina at Mavy. Balikan ang preparation nila para sa masarap na Tofu Fries ala Nachos.
Tutukan ang iba pang Sarap, 'Di Ba? episodes tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.