
Isang masayang Saturday morning bonding at bridal shower para kay Carla Abellana ang napanood sa Sarap, 'Di Ba?
Nitong October 16, nagbigay ng isang fun bridal shower sina Carmina Villarroel at Cassy Legaspi para kay Carla. Sinamahan pa sila nina Ian Red at Echo.
Ayon kay Carla, unang guesting niya ito sa Sarap, 'Di Ba? at unang guesting rin ito ng aktres sa studio. Sa kanyang pag-guest ay napasabak agad ang blooming bride-to-be sa bagong nakakatuwang segment na Quiz-mis.
Dahil bridal shower ng aktres, may mga mensaheng ipinadala ang kanyang showbiz friends sa Sarap, 'Di Ba? para sa nalalapit niyang kasal kay Tom Rodriguez.
Bago magtapos ang kanilang bonding, nagbahagi si Carla ng recipe ng isang masarap na Filipino delicacy na Inutak.
Abangan ang mga susunod na makakasama ng Sarap, 'Di Ba? sa studio ngayong October 23 sa GMA Network!
RELATED CONTENT:
Sarap, 'Di Ba?: Fast talk with Carla Abellana | Online Exclusives