
Masayang umaga with Carmina Villarroel-Legaspi ang ating napanood nitong February 26 sa Sarap, 'Di Ba?
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Nakasama muli ng ating happy nanay host si Direk Philip Lazaro para sa masayang Saturday morning bonding. Parte rin ng exciting episode na ito ang mga comedians na sina Buboy Villar, Dyosa Pockoh, Tammy Brown, at Pepay.
Sa episode na ito ay nagpakita ng talento at diskarte ang comedians. Nagtapatan ang Team Bu-Sa (Buboy at Dyosa) at Team T-Pay (Tammy at Pepay) sa iba't ibang challenges at games na inihanda ng Sarap, 'Di Ba? family.
Hindi rin nagpahuli si Carmina sa pagbabahagi ng kaniyang masarap na recipe na Cheese and Spinach Rellenong Alimasag.
Abangan ang mga susunod pang mga exciting Saturday morning episodes ng Sarap, 'Di Ba? sa GMA Network.