
Masaya at nakakakilig na Saturday morning bonding ang ating napanood sa Sarap, 'Di Ba? nitong March 12.
Nakasama nina Carmina Villarroel-Legaspi at Mavy Legaspi ang Sparkle Loveteams na sina Sofia Pablo, Allen Ansay, Althea Ablan, at Bruce Roeland. Sila ay nagtapat sa Sparkle Loveteam edition ng Sarapdibalympics.
Photo source: Sarap 'Di Ba?
Ang tambalang Team Jolly at Team AlBruce ay nagtapat para sa ilang nakakatuwang games at challenges.
Napanood din ang kanilang bonding sa Sarap, 'Di Ba? kitchen para magluto ng masarap na Chicken Curry with Boiled Eggs.
Sa darating na March 19 ay mapapanood naman si Bea Alonzo sa Sarap, 'Di Ba? kaya tutok na ngayong Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.