
Isang masayang Saturday morning kulitan, sayawan, at kainan ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ang Muhlach and Alarcon father and child tandems.
Pinasaya nina Niño Muhlach, Sandro Muhlach, Jestoni Alarcon at Angela Alarcon ang Sarap, 'Di Ba? dahil sa game na game nilang pagkasa sa mga challenges noong February 4.
Sila ay sumabak sa dance floor battle, Spring Giling Race, at Unahan sa Ihipan.
May inihanda pang special pancit palabok dish si Happy Nanay Carmina para sa mga bisita.
Patuloy lamang na sumubaybay sa masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.
Huwag na huwag rin palalampasin ang exciting na Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway!