
Nagwagi sa ratings ngayong unang Sabado ng June ang Sarap, 'Di Ba?
Noong June 4, umani ng 3.0 percent rating ang episode ng Sarap, 'Di Ba? ayon sa NUTAM People Ratings.
Photo source: Sarap, 'Di Ba?
Sa episode na ito ay naka-bonding ng Sarap, 'Di Ba? hosts na sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ang cast ng First Lady na sina Cai Cortez, Maxine Medina, at Atak.
Napanood nitong Sabado ang kuwentuhan ng cast ng First Lady at ang hinarap nilang challenges at games tulad ng Tic-Tac-Toe Relay, Quick Change Closet Challenge, at fun round of Showerade.
Tutukan tuwing Sabado ang masayang episodes ng Sarap, 'Di Ba? 10:00 a.m. sa GMA Network.
Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.