GMA Logo Sarap, 'Di Ba?
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
What's on TV

'Sarap, 'Di Ba?' patuloy na umaani ng mataas na ratings

By Maine Aquino
Published October 25, 2022 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Indian family of alleged Bondi gunman didn't know of 'radical mindset', Indian police say
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News

Sarap, 'Di Ba?


Salamat sa suporta, mga Kapuso!

Panalo sa mga manonood ang latest episode ng Sarap, 'Di Ba?

Noong Sabado, October 22, isang masayang weekend na puno ng kulitan ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? dahil nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi sina Kokoy De Santos, Cookie (Pekto), at Belly (John Feir). Nasaksihan din nitong Sabado ang dalawang cute at talented contestants ng “PakidSTARan.”

Ang masayang Saturday morning bonding na ito ng Sarap, 'Di Ba? ay umani ng 3.2 percent rating ayon sa NUTAM People Ratings.

Patuloy lamang na sumubaybay sa masayang Sabado na hatid ng Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa livestream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel.

Samantala, sa mga nais sumali sa "PakidSTARan," i-send lang ang kanilang audition videos sa Sarap, 'Di Ba? Facebook inbox kasama ang kanilang name, age, address and contact number.

Huwag na huwag ding palalampasin ang pagsali sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway