
Napuno ng tawanan ang Saturday morning sa Casa Legaspi dahil sa kanilang fun challenge sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Nitong September 25, in-impersonate ni Carmina Villarroel ang kaniyang anak na si Cassy Legaspi sa First Yaya, si Zoren Legaspi naman ay ginaya ang anak niyang si Mavy Legaspi sa All-Out Sundays.
Ang twins na sina Mavy at Cassy ay in-impersonate naman ang roles nina Zoren at Carmina sa Kapuso shows na Bilangin ang Bituin sa Langit at Babawiin ko ang Lahat.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Naka-bonding naman ni Cassy si Miguel Tanfelix. Sa kanilang bonding ay nabuking ang laman ng phone ng Kapuso actor.
Napanood din si Jennylyn Mercado nitong Sabado sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition. Ibinahagi ng Ultimate Star ang isang kaniyang special dish na Spanish-style Bangus sardines.
Patuloy lang na tumutok sa Sarap, 'Di ba? Bahay Edition para sa masayang Saturday morning bonding sa GMA Network.
Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition: Alfred at Yasmine Vargas, napaamin ng mga sikreto