What's on TV

Sarap Diva: Regine Velasquez-Alcasid, inaming nagre-report ng accounts ng bashers sa social media

By Maine Aquino
Published October 8, 2018 2:34 PM PHT
Updated October 8, 2018 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Nagkuwento si Regine Velasquez-Alcasid kung ano nga ba ang kanyang ginagawa kapag nakakatanggap siya ng masasakit na mga salita sa social media.

Parte ng naging pag-uusap sa Sarap Diva nitong October 6 ang mga natatanggap nilang online bullying na gawa ng mga basher. Kaya naman nagsalita si Regine Velasquez-Alcasid kung ano ba ang kanyang ginagawa kapag nakakatanggap siya ng masasakit na mga salita sa social media.

Kuwento ni Regine, ang bashers umano ay nakakaramdam lamang ng happiness sa pagbibigay ng pain sa ibang tao. Aniya, "They'll never be happy because ang happiness nila is to inflict pain on other people."

Dahil dito ibinahagi ng Asia's Songbird ang kanyang aksyon na ginagawa sa mga taong mahilig pumuna sa mga artistang katulad niya.

"Ako talaga favorite ko 'yung erase, pero bago ko i-erase o i-delete, iri-report ko muna. Mga sampung beses ko siya iri-report." Natatawang kuwento ni Regine.

Dagdag pa niya, "Pupuntahan ko pa 'yung account niya tapos doon ko talaga siya iri-report...Ang sarap kaya mag-report, natatawa ako."

Saad pa niya ,hindi alam ng bashers kung ano ang masamang epekto ng kanilang mga sinasabi online. Para kay Regine, mas nais niya umanong maging inspirasyon sa mga tao kesa makasakit ng iba.

"For other people they crave... 'yan ang passion nila. Gusto nila 'yung mayroon silang nasasaktan kasi feeling nila they're just words. Hindi naman tayo physically na-hurt o nasaktan, they're just words... But I just wanna say to everyone, words are very powerful. They can hurt people and they can also inspire people. Doon na ako sa inspire."

Panoorin ang kanilang kuwentuhan sa Sarap Diva: