
Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang bagong video ng anak ni Jhong Hilario na si Sarina.
Sa naturang video kasi ay mapapanood ang nakatutuwang mga reaksyon ni Sarina habang siya ay nasa isang pambatang salon.
Ang mismong ama ni Sarina na si Jhong ang unang gumupit ng kanyang buhok at itinuloy na lang ito ng isang staff.
Base sa video, itatago ng mga magulang ng adorable celebrity kid ang unang ginupit na buhok bilang remembrance.
Sa comments section, mababasa ang positibong comments ng fans ni Sarina at ng netizens sa naging bonding ng mag-ama.
Related gallery: The heartwarming father-daughter moments of Jhong Hilario and Sarina
Oceania
Napansin din ng netizens na lalong bumagay sa anak ni Jhong ang new look nito.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 24,000 views sa Instagram at 181,000 views sa Facebook ang video ni Sarina tungkol sa kanyang first haircut.
Sa ilan pang vlogs, mapapanood ang iba pang nakatutuwa at sweet bonding nina Jhong at Sarina.
Tampok din sa mga ito ang pagiging bibo at matalino ng celebrity kid.
Samantala, ang ama ni Sarina na si Jhong ang isa sa main hosts ng noontime show na It's Showtime.