GMA Logo Makiling
What's on TV

Sasagarin ang pagpapahirap kay Amira sa 'Makiling'

Published January 19, 2024 4:45 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Can the Philippines turn motorcycles into a tourism engine?
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Makiling


Narito ang mga dapat abangan sa ikatlong linggo ng 'Makiling.'

Lumaki si Amira sa paniniwalang kung ano ang tinanim, 'yun din ang aanihin. Pero wala naman silang ginagawang masama ni Alex, wala naman silang inaagrabyado, pero katakot-takot na pahirap ang inabot nila sa Maynila.

Tuloy ang pagle-level up ng pambu-bully kay Amira ng Crazy 5. Pati si Alex, magiging target ng power trip ni Seb. Kung ang kapatid ni Amira na si Rose, mukhang natuto nang makisabay sa mga taga-Maynila, sina Amira at Alex, parang lalamunin ng buhay ng lungsod.

Hindi panghihinaan ng loob si Amira dahil alam niyang kailangang ituloy ang laban ng buhay para sa tatay na may sakit, at para mapag-aralan ang misteryosong halamang Mutya.

May pusong-manggagamot talaga si Amira, kaya gusto niyang makatulong sa maraming tao gamit ang halamang tila ibinigay sa kanya ni Maria Makiling.

Sisingilin na ang mga Terra para sa masasamang ginagawa nila. Lalantad ang isang lalaking isinisisi ang pagkamatay ng anak sa produktong binibenta ng mga Terra.

Iho-hostage niya si Portia dahil buhay din ang gusto niyang maging kabayaran sa nangyari sa mahal niya sa buhay. Siya ang magsisimula ng paghihiganting tatapusin ng bagong Amira.